NAGA CITY- Umaani ngayon ng samu’t saring papuri ang isang guro sa Bula, Camarines Sur dahil sa pambihira nitong imbensiyon na Improvised Module Disinfection Machine.

Kinilala ito na si Jomar Jaravata, 34-anyos, OIC Assistant Principal sa Senior High School ng Bula National High School.

Kaugnay nito, naimbento ni Jaravata ang proyekto at hinango sa kaniyang pangalan na J.H.O.M.A.R o Jeepney-typed Health protection Machine Applying Robotics.

Ang nasabing makina ay kayang maka-disinfect ng halos 20,000 modules sa loob lamang ng walong oras.

Advertisement

Hindi na rin kailangang ibilad pa sa araw ang mga modules dahil gumagamit ito ng disinfecting chemicals at UV lights na kaya ri nitong mamonitor ang disinfecting process gamit naman ang cellphone.

Samantala, sumailalaim na rin sa inspeksiyon ng Department of Science and Technology (DOST) ang nasabing disinfection machine.

Advertisement