NAGA CITY- Sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), umabot sa mahigit P5.4-M ang halaga ng nalugi sa sales ng rehiyon ng Bicol.
Sa pahayag ni NEDA RD Agnes Tolentino, sa Public Consultation sa Balik Probinsya, Balik Pag-asa, sinabi nito na nasa 75,415 ang bilang ng mga registered businesses sa naturang rehiyon.
Ngunit sa nasabing bilang, nasa 13,893 na lamang ang nagpapatuloy ang operasyon dahil sa 61,522 na mga nagsarang mga establisyemento habang nasa 139,321 naman ang nawalan ng trabaho.
Samantala, lalawigan naman ng Camarines Sur ang pinakaapektado sa buong rehiyon kung saan umabot sa mahigit P2.6 M ang halaga ng pagkalugi nito.
Ayon sa kanilang assessment, nasa 105,950 ang bilang ng mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa 31,256 na mga nagsarang business establishments.
Sa ngayon nasa 1,886 na lamang ang nagpapatuloy ang business operation sa naturang lalawigan.