NAGA CITY- Tinatayang aabot sa 900 na mga baboy kasama na ang halos 50 alagang baboy ng alkalde sa isang bayan sa probinsya ng Camarines Sur ang isinailalim sa culling operation matapos na mag positibo sa African Swine Fever (ASF).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Alan Salvador, Municipal Agriculture Officer sa bayan ngh San Fernando Camarines Sur, sinabi nito na bago paman isailalim sa culling operatin ang mga baboy na pinaniniwalaang positibo sa ASF, halos nasa 251 na ang unang naitalang namatay.

Nabatid na kasama sa nasambing bilang ng mga naapektohan ang mga alagang baboy ng alkalde mismong ng nasabing bayan.

Ito’y sa kabila umano ng mas pinahigpit pang mga ipinapatupad na protocols laban sa ASF at pati narin upang masiguro na hindi makakapasok sa farm na pag mamay-ari ng alkalde ang nasabing virus.

kung maaalala, una ng sinabi ng Department of Agriculture (DA)-Bicol, na mayroon ng 56 na barangay mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay ang apektado ng nasabing virus.