NAGA CITY- Halos 48.4% umano ng residente ng Arizona, USA ang ninanais na makuha ni Democrat Presidential Candidate Joe Biden ang panalo bilang Presidente ng bansa kumpara 44% ni US President Donald Trump sa darating na eleksyon.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent, Dr. Kim Miller mula sa naturang estado, ito aniya ay sa kabila ng ilang beses nang pagkapanalo ng Republican party sa bahagi ng nasabing lugar sa mga nagdaang halalan.
Dagdag pa nito, kung maaalala aniya, noong nakaraang Presidential Election sa pagitan nina Hilary Clinton at Trump kung saan nanalo si Clinton sa Popular voting ngunit nakuha naman ni Trump ang panalo sa Electoral College.
Dahil aniya dito, hindi pa rin maaaring masabi na tuluyan nang makukuha na ni Biden ang posisyon bilang Presidente ng bansa sa kabila ng pagkakakuha nito ng mataas na boto sa pamamagitan ng popular voting.
Sa ngayon, hindi pa rin aniya madetermina kung sino ang maaaring manalo bilang Presidente ng bansa.