NAGA CITY- Isinagawa ngayong araw, Agosto 24, 2024 ang Handog Kalikasan clean-up drive kaugnay sa paparating na Peñafrancia Festival sa lungsod ng Naga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rosalieh Luces, Political Affairs Officer III, ng Ako Bicol Partylist, sinabi nito na ang Handog Kalikasan para ki Ina ay isang tradisyon at adbokasiya ng Ako Bicol Partylist sa pangunguna na rin nila Congressman Jil Bongalon at Zaldy Co simula pa noong 2010.
Aniyan, layunin ng nasabing aktibidad ay hinda lang para makatulog sa kalinisa bago ang Fluvial Procession, ngunit isa rin itong panata sa pagbigay ng maayos na kaisipan sa mga opisyal na mas gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Samantala, sa buwan ng Setyembre, ang Ako Bicol Partylist Booth magbibigay ng t-shirt, tubig, at serbisyo sa mga deboto kaugnay ng Festival sa may danlugan.
Labis naman ang pasasalamat ng Ako Bicol Partylist sa mga naging katuwang sa aktibidad gaya na lamang ng Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Phil Army, Phil Coast Guard, Philippine National Police, Rotary Club, LGUs, mga estudyante, at iba pa.
Ayon naman kay Jerson Alvarez, Provincial Coordinator Camarines Sur ng Ako bicol, taun-taon nila itong isinasagawa at nasa 70% na rin umano silang preparado para sa kapistahan.
Sa kabila nito, isasagawa rin sa Setyembre 6 2024, ang Tarabangan Caravan Medical and dental Mission sa Bayan ng Minalabac, Camarines Sur.