NAGA CITY- Maingat pa rin na nasunod ang pinapatupad na minimum health protocols ng mga Muslim sa lungsod ng Naga sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mike Mustapha, Pangulo ng Maranao Guild for Sodality, sinabi nito na limitado lamang ang dumalo sa kanilang congregational prayer dahil sa banta pa rin ng COVID-19.
Ayon kay Mustapha, naging mahigpit rin ang pagpapasok sa kanilang muslim compound upang maiwasan ang maraming tao at masusunod pa rin ang physical distancing.
Kaugnay nito, hindi pinapayagan sa loob ng kongregasyon ang mga hindi nakasuot ng facemask.
Aniya, naging tahimik at matagumpay ang paggunita ng Eid’l fitr sa nasabing muslim community.
Gayunpaman, limitado rin ang mga mass gatherings at ekslusibo lamang sa kaniya-kaniyang mga kabahayan ang pagkakaroon ng maliit na salu-salo ng pamilya.
Sa likod nito, pinaliwanag rin ni Mustapha na ang pagtatapos ng Ramadan ang paraan para sa pasasalamat at pagpapatawad sa isa’t-isa ang tunay na kahulugan ng nasabing pagdiriwang.