NAGA CITY – Umabot na sa 5,206 ang kabuuang bilang ng mga healthcare workers na nabakuhan gamit ang Sinovac Vaccine at Astrazeneca sa Bicol Region.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-Bicol, napag-alaman na sa nasabing bilang 1,768 ang galing sa Camarines Sur, 2,206 ang galing sa Albay, 493 sa Catanduanes samantala 739 naman ang galing sa Sorsogon.

Ang nasabing datos ay galing sa kabuuang bilang na 8,691 na mga healthcare workers sa Bicol Region.

Samantala, hindi pa kasama dito ang mga nabakunahan galing naman sa probinsya ng Camarines Norte at Masbate.