NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) na pansamantalang nirelieve sa pwesto ang hepe ng Candelaria PNP.
Ito’y matapos maaresto ang limang pulis mula sa naturang hepatura na kasalukuyang naka-assign sa drug enforcement unit na umano’y sangkot sa extortion activity sa lugar.
Sa panayam ng Bombo tradyo naga kay PMaj lalaine Malapascua, tagapagsalita ng Quezon Police Provincial Office, sinabi nitong nirelieve muna sa pwesto si PLt.Col Jezreel Calderon bilang hepe ng Candelaria at pansamantalang pinalit si PMaj Gaylor Pagala.
Ayon kay Malapascua layunin nito na mas mabigyan ng oras aty panahon ang imbestigasyon sa mga pulis nha nasangkot sa iligal na gawain.
Aniya, hindi kinokonsinte ni PCol. Audie Madrideo, Provincial Director ng QPPO ang ganitong uri ng mga gawain na sumisira sa imahe ng kapulisan.
Kung maaalala, una nang nahuli sa entrapment operation ang tatlong pulis at 4 na civilian asset habang kusa namang sumuko sa provincial director ang dalawa pang pulis personnel matapos kikilan ang nahuling drug personality kapalit ng paglaya nito.