NAGA CITY – Arestado ang isang kinokonsidera bilang high ranking terrorist at leader ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa San Pedro, Laguna.
Kinilala ang suspek na si Antonia Tonog Setias – Dizon alyas Tonet.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Division Public Affairs Office ( DPAO ng 2nd Infantry Division, Philippine Army, nabatid na nahuli si Dizon sa pinag-isang pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) habang bitbit ang warrant of arrest sa kasong murder na ibinaba ni Acting Executive Judge Lou A. Nueva ng RTC Branch 7, Bayugan City, Agusan Del Sur.
Samantala, narekuber umano sa bahay ni Dizon ang isang Cal. 38 pistol, 48 pirasong live ammunition, 12 blasting caps at wires, mobile phones, mga dokumento na may high intelligence value at iba pang gamit pang giyera.
Kampante naman ang mga otoridad na malaking bagay ang pagkakadakip sa naturang leader ng mga rebeldeng grupo.