Highschool student sa CamSur sugatan matapos pagsasaksakin ng step father

NAGA CITY – Sugatan ang isang grade 11 student matapos pagsasaksakin ng kanyang step father sa San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Dante Durante 45- anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa PNP – Pili, napag alaman na bigla na lamang umanong sinaksak sa likod ang menor de edad ng kanyang step father sa loob ng isang pampublikong merkado.

Dahilan umano ito nang matagal nang hinanakit ng suspek sa biktima.

Kaugnay nito agad namang isinugod sa ospital ang biktima habang tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.