NAGA CITY- Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng nag popositibo sa Coronavirus Desease pandemic sa bansang Italy, madami parin umanong mga
mamamayan dito ang hindi sineseryuso ang pag lockdown sa bansa.
Sa report ni Bombo International Correspondent Fausto Melosu, sinabi nito na araw-araw madami parin ang pumupunta sa mga super market na mga
senior citizen na kung saan ito ay mahigpit na ipinag babawal dahil sa pagiging prone sa virus.
Ayon kay Melosu, una nang ipinatupad ang lockdown sa lugar ngunit nag bigay ito ng mga maling espekulasyon sa mga mamamayan, kung saan
marami umano sa mga may edad na ang hindi ito seneryuso.
Dahil dito pinaniniwalaang mas dumami ang kaso ng virus sa lugar dahil sa mga maling impormasyon na lumabas sa social media.
Samantala, ayon kay Melosu, sa pagdating ng mga medical team mula China, positobo umano ang mga ito na mapipigilan na ang patuloy na pag
lubo ng kaso ng coronavirus sa bansa.