NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang bunso ng isang pamilya matapos na magpatiwakal sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na isang 25-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Ma. Elena Lumaban, Chief of Police ng Atimonan Municipal Police Station, sinabi nito na natagpuan na lamang ng ina nito ang wala ng buhay na katawan ng biktima.

Ayon pa kay Lumaban, masama umano ang loob nito sa kaniyang ina dahil sa pagkuha ng cellphone at pagbalik na nito sa kapatid ng biktima na isa sa mga tinitingnang dahilan ng mga awtoridad sa pagpapakamatay nito.

Advertisement

Ito’y dahil ayon umano sa ina nito, ang huli nilang pinag-usapan ng anak ay ang pagkuha na ng cellphone na ginagamit nito upang ibalik na sa kuya nito, kung saan matapos ang nasabing usapan wala na sa bahay ang ina nito maghapon.

Sa kasamaang palad, pag-uwi nito sa kanilang tahanan ay dito na nito natagpuan ang wala ng buhay na anak.

Samantala, upang maiwasan ang mga ganitong klase ng insidente, magsasagibo naman ang mga kapulisan ng marriage at parents counseling at magsasama rin umano sila ng Pastor sa paglilibot nila sa mga barangay.

Sa ngayon, panawagan na lamang ni Lumaban sa mga magulang na bantayan at kausapin ng maayos ang kanilang mga anak lalong-lalo na kung may napapansin na silang problema na kinakaharap ng mga ito upang maiwasan ang mga ganitong klaseng insidente.

Top

Advertisement