NAGA CITY- Naabot na ng bansang Hong Kong ang 70% na inisyal na target na populasyon na mabakunahan laban sa COVID-19.
Mababatid na sinimulan ng nasabing bansa ang vaccination rollout noong Pebrero at target naman ngayon na maabot ang 80% hanggang “reopening” ng border sa mainland China.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Ricky Sadiosa mula sa nasabing bansa, sinabi nito na malaking tulong ang naging kooperasyon ng mga tao sa lugar kung kaya naging maayos ang takbo ng pagbabakuna sa mga mamamayan.
Ayon kay Sadiosa, ang unang buwan ng pagsisisimula ng pagbabakuna, kaunti lamang ang nais mabakunahan ng COVID-19 vaccine.
Marami umano rito ang ayaw talaga ma turukan ng bakuna sa kabila ng maraming supply na nakahanda para sa komunidad.
Dagdag pa ni Sadiosa, posibleng naging dahilan upang mapagtanto ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pagpapabakuna nang makita na nila ang naging partisipasyon ng mga bansa sa vaccination.
Sa ngayon, aabot na sa 9.4-M doses an naiturok sa mga mamamayan sa nasabing bansa.
Noong nakaraang linggo, umabot sa 14,000 ang naadminister nilang bakuna sa loob ng isang araw dahilan para maabot pa ang dagdag na 10% na pwedeng mabakunahan sa buong populasyon sa loob ng 103 na araw.