Pinalaya ng Houthi rebels ang tinatayang 600 bilanggo ng digmaan (prisoners of war) sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa Yemen.

Ayon kay Abdul-Qader al-Murtaza, opisyal ng Houthi na namamahala sa usapin ng mga bilanggo, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga pinalayang detainee sa loob ng 12 taon ng civil war sa bansa.

Kinumpirma rin ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang naturang pagpapalaya.

Sinalubong at inasikaso ng mga kinatawan ng Red Cross ang mga pinalayang bilanggo, kabilang ang pagsasailalim sa kanila sa medical examination sa mga pagamutan.

Advertisement

Bago ang kanilang pagpapalaya, nagsagawa rin ang mga delegado ng ICRC ng indibidwal na panayam sa bawat detainee.

Matatandaang nagsimula ang malawakang kaguluhan sa Yemen matapos agawin ng Houthi rebels ang kontrol sa kabisera at hamunin ang kinikilalang pamahalaan ng bansa.

Advertisement