NAGA CITY- Isang skeleton ng tao ang natagpuan sa bayan ng Bato sa Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap na lamang ng report ang mga otoridad mula sa mismong punong barangay ng Del Rosario ng naturang bayan na si Kapt. Melchor Relos hinggil sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, kinilala ang biktima na si Amancio Trajada, 44-anyos, matapos na positibong makilala ng anak nito na si Anthony Trajada, 21-anyos, anag damit ng biktima.

Ayon kay Anthony, huling nakitang buhay ang kaniyang ama noon pang Hunyo 15, 2020.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang skeleton ng biktima habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa naturang pangyayari.