NAGA CITY- Umabot sa humigit-kumulang P150-K ang iniwan na pinsala ng sunog na sumiklab sa barangay San Roque, Milaor, Camarines Sur nitong June 20, 2024 ng gabi. Ayon kay SFO4 Rodel Buenaflor, Municipal Fire Marshal ng BFP-Milaor, hindi na man kumalat ang apoy at isang bahay lamang ang natupok na pagmamay-ari nila Danilo at Angie Tumpang. Naideklara rin na fire out ito pasado alas-9:47 ng gabi at wala rin naitala na nasawi sa insidente.
Dagdag pa ng opisyal, na ayon naman sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng kanilang mga kasamahan, lumalabas na ang dahilang sa sumiklab na sunog ay dahil sa napabayaan na nakasinding kandila.
Samantala, ipinaliwanag rin ni Buenaflor na hindi nakaparesponde ang kanilang fire truck dahil nasira ito at under-maintenance. Ngunit, meron naman umano na koordinasyon ang kanilang panig sa mga karatig na fire station na nagbibigay ng tulong kapag mayroong sumiklab na sunog.
Ang nasabing pagpapaliwanag ay dahil sa mga kumakalat na isyu na hindi kaagad naka pagresponde ang kanilang mismong istasyon sa insidente.
Accessible naman daw ang kanilang fire trucks ngunit nagkataon lamang na sira ito kung kaya umasa sila sa asistensiya mula sa katabing mga fire stations.
Kaugnay nito, nag paabot na rin ng mga tulong ang Provincial Capitol, DSWD-Bicol at mga residente ng nasabing bayan sa dalawang pamilya na naapektuhan ng sunog. At sa ngayon ay nanatili muna sila sa Chapel ng barangay at naghihintay sa maaari nilang malilipatan.
Sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Buenaflor na mayroon ng lupa na pagtatayuan ang kanilang fire station gayundin ang hinihintay pa na karagdangang fire truck na layuning mas makatulong at mapabilis ang pagresponde sa ganitong insidente.