NAGA CITY – Hustisya ang panawagan ngayon ng ina ng Divinagracia sister na brutal na pinaslang sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Erlinda Divinagracia, ina ng mga biktima, sinabi nito na wala umano itong alam kun ano an nagin problema ng kanilang mga anak, dahil hindi naman aniya nagkwe-kwento sa kaniya.

Nalaman na lamang nito kumakailan lamang na nakipaghiwalay na pala ang kaniyang panganay na anak na si Clodette, 27-anyos sa kaniyang ka-live in partner.

Kwento pa nito na noong unang linggo ng Disyembre ay umuwi ito sa kanilang bahay at napansin nito bilang isang ina na may problema ang kaniyang anak, ngunit nang tanungin nito ay wala umanong problema.

Advertisement

Ayon pa kay Erlinda, ngayon lamang nito nalaman na mayroon pala itong mga messages o conversation sa kaniyang mga pinsan kung saan dito nito sinasabi ang kaniyang mga problema.

Maalala, natagpuang wala ng buhay ang magkapatid na Clodette at Mae sa magkaibang barangay ng lungsod ng Naga kung saan si Clodette ay nagtamo ng maraming sugat kasali na ang pagkaputol ng kaniyang kanang kamay at maraming taga naman sa kaniyang kaliwang kamay.

Habang ang katawan naman ni Mae ay natagpuang nakabalot sa isang bedsheet at nakatali ng electrical wire.

Samantala, ang pinangyarihan ng krimen at ang nakuhang ebidensiya ng mga otoridad ay nagtuturo sa primary suspek kung saan ito ay ang ka-live in partner ng isang biktima.

Ayon PCol Gilbert P. Fariñas, City Director – Naga City Police Officer na crime of passion ang dahilan ng krimen base sa mga ebidensiya dahil ang angulo na kanilang tinitingnan base sa account ng mga biktima na nagsasabing nakakaranas umano ito ng pang-aabuso galing sa suspek.

Maalala, naglunsad na ng malakawang operasyon ang Philippine National Police Bicol upang makamit ang sinisigaw na hustisya nang kaanak ng mga biktima.

Nakaburol na rin sa ngayon ang biktima sa kanilang tahanan sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Sa ngayon panawagan na lamang ni Erlinda sa suspek na sumuko na ito sa batas dahil natatakot na rin umano na ito, na kung kayang gawin sa kaniyang mga anak ay baka gawin rin umano ito sa kanila.  

Advertisement