NAGA CITY- Nagsimula na ang pag-uusap ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa Bicol Region para sa muling pagbuhay ng Bicol River Basin Development Program dahil narin sa malawakang pagbaha na naranasan sa pananalasa ni Bagyong Bagyong Kristine at dahil sa sunod-sunod na bagyo na pumasok sa bansa.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Engr.Gaudencio de Vera, Regional Manager ng National Irrigation Administration Bicol, sinabi nito nagkaroon na ng pag-uusap sa pangunguna ng National Economic and Development Authority kung saan kailangan umano itong itong i-update dahil matagal na ang nasabing plano at kailangan na mai-align sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon.
Layunin ng nasabing proyekto na mapabuti ang flood control sa Camarines Sur at kalapit na lalawigan. Maalala, una ng inilunsad ang Bicol River Basin Development Program taong 1970 sa ilalim ni dating Presidente Ferdinand Marcos, Sr.,ngunit ito’y naisantabi ng magpalit ng administrasyon.
Ayon kay Gaudencio, kailangan na ma-update ang parameters upang maisapinal ang mga detalyadong engineering designs para sa flood control components na planong gawin sa unang quarter ng susunod na taon.
Kailangan na palagiang iprayoridad ang sustainable development ng komunidad upang ma-maximize ang epekto ng kalamidad upang maprotekhan ang mga tao.
Dagdag pa ng opisyal, sa pag-aaral at pag-update sa Bicol River Basin Development Program kailangan na tingnan ang long term effect ng mga kalamidad na dumaraan upang magawa nitong masolusyunan ang problema sa pagbaha.
Maalala, ang desisyong muling buhayin ang proyekto ay galing sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos kasunod ng malakawang pagbaha dahil na rin sa Bagyong Kristine sa Bicol Region. Ayon sa Pangulo, kailangang bigyan ng pansin ang kahalagahan ng flood mitigation at agricultural infrastruture upang hindi na maulit ang sakunang nangyari at bilang paghahanda na rin laban sa kalamidad.
Samantala, kaplanuhan naman ng National Irrigation Administration na magpatayo ng dam sa bahagi ng Iriga at Baao upang magsilbing tagasalo ng tubig at mabawasan ang pagbabaha sa Camarines Sur at Naga City na ikinokonseder bilang low lying areas.