NAGA CITY- Kinondena ngayon ng iba’t ibang religious sector ang umano’y pang-aatake ng mga otoridad sa mosque at ilang simbahan sa Hongkong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong bagama’t humingi na ng tawad si Hong Kong leader Carrie Lam sa muslim community matapos tamaan ng mga otoridad ng water cannon ang kanilang mosque, ngunit kinondena parin aniya ito ng ilang mga religious sectors.
Ayon kay Sadiosa kahit ang mga Buddhists ay nagpalabas na rin ng statement laban sa nangyari.
Sa kabilang dako, hinihintay din aniya ng mga kristiyano ang paghingi ng tawad ni Lam dahil isa ring simbahan na malapit sa lugar ang naapektuhan ng water cannon.
Sa ngayon, ayon kay Sadiosa hangad ng mga tao sa gobyerno na isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga pulis na responsable sa pang-aatake sa simbahan at mosque at mapatawan ng kaparushan.