NAGA CITY- Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang suspect sa likod ng pagsabog sa Barangay San Ramon, Pamplona, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na nagpahatid umano ang SK Chairman na si Jerielyn Doctor sa kanilang bahay kay Cpl. Hernan Alcantara ngunit tumangi ito sa halip si PFC Jay-ar Tang-tang, parehong myembro ng 83rd IB, 9ID ang naghatid sa SK Chairman.

Ngunit ng pabalik na umano ito sakay ng kaniyang motor nang bigla na lamang sumabog ang Improvise Explosive Devise malapit sa kalsada.

Maswerte namang nakaligtas ang sundalo sa naturang pagsabog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.