NAGA CITY– Inalala ngayong araw ang ika-157 anibersaryo ni Jose Ma. Panganiban sa lungsod ng Naga.

Sa naging pagharap ni Naga City Schools Division Superintendent Manny de Guzman sa mga kagawad ng media, inisa- isa nito ang mga karangalan at kabayanihan ng nasabing bayani.

Ayon kay de Guzman, malaki umano ang naging tulong ni Panganiban hindi lamang sa ka-Bicolan maging sa bansa.

Aniya, mabuti na ginugunita ang mga ganitong bagay upang maipaalala sa mga kabataan ngayon ang pagsusumikap ng mga bayani noong panahon.

Ayon pa rito, isang aral ang buhay ni Panganiban na imbes gumawa ng mga hindi kanais nais bagay maging batikan na lamang sa mga bagay na makakatulong sa sarili maging sa bansa.

Samantala, inaasahan naman ang iba pang aktibidad ngayong araw kaugnay ng nasabing selebrasyon.