NAGA CITY- Labis ang kalungkutan ng mga raliyista sa Hongkong dahil sa pagpapakamatay ng isang estudyante para ipaabot sa gobyerno ang mahigpit na pagkontra ng mga ito.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong matapos ang desisyon ni Chief Executive Carry
Lam na i-withdraw ang extradition bill, sa halip na magsaya ang mga tao mayroon pa ring nagsayang ng buhay.
Ayon kay Sadiosa, isang estudyante ang uminom ng lason habang may iniwan itong mensahe na dapat tugunan ng gobyerno ang limang kahilingan ng mga tao para maibalik ang katahimikan sa lugar.
Napag-alaman na ito na ang ika-walong suicide incident dahil sa mga kaguluhan na naitala mula pa noong Hunyo.
Kung maaalala, maliban sa pagbasura sa extradition bill, hangad rin ng mga ito na palayain ang mga political prisoners,
pagbibigay tulong sa mga nasaktan sa mga kilos- protesta at ang pagpapaimbestiga sa umanoy pang-aabuso ng mga kapulisan.