NAGA CITY- Sisimulan ngayong araw ang pag kuha ng mga random sample ng dugo sa mga alagang baboy sa Barangay Pamukid San Fernando.
Ito’y makaraang mapabalitan na nagpositibo sa African swine fever (ASF) ang ilang baboy sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan William Masapol sinabi nito na ang nasabing testing pangungunahan ng mga empleyado mula sa regional office ng Department of Agriculture (DA) at Local Government Unit.
Ayon dito dalawang beses na isasagawa ang pagkuha ng blood sample upang matiyak kung mayroon pang posibilidad ng ASF.
Sa ngayon umaasa naman si Kapitan Masapol na wala ng mag popositibo pang alagang baboy sa nasabing lugar.