NAGA CITY– Umapela ngayon ang mga drivers ng ilang bus companies hinggil sa maapektuhan nilang hanap-buhay sa mangyayaring pagsisimula ng Community Quarantine sa Metro Manila bukas, Marso 15, 2020.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jelly Argente, driver ng Raymond Bus Transportation, umapela ito kung paano na sila sa kanilang pang araw-araw na hanap-buhay sakaling magsimula na ang Community Quarantine.
Ayon kay Argente, ang tanging ruta lamang nila ay Metro Manila- Bicol and Vice Versa kung kaya talagang maapektuhan ang kanilang mga byahe.
Aniya, hindi na nila alam ang kanilang gagawin sa halos isang buwan na wala silang byahe subalit magtitiwala na lamang umano sila sa naging desisyon ng Presidente lalo na kung para rin naman ito sa kalusugan ng bawat isa.
Kung maaalala, kamakailan ng i-anunsyo ni Presidente Rodrigo Duterte ang mangyayaring Community Quarantine sa Metro Manila simula sa Marso 15 hanggang Abril 14, 2020.