BOMBO NAGA- Nanatiling mapayapa pa rin ang ilang bahagi ng Ukraine sa kabila ng nabubuong tensiyon laban sa Russia.

Ito ang ibibahagi ni Bombo International news Correspondent Joy Fernandez Tolentino mula sa Ukraine sa panayam ng Bombo Radyo Naga.

Pinabulaanan rin nito ang balita na lulusob ang Russia sa nasabing bansa ngunit, inamin nito na nagpanic rin ito noong una dahil sa nasabing kumakalat na alegasyon.

Kaugany nito, sakali naman umanong lumala ang tensiyon at magpadala ng repatriation flight ang pamahalaan ng Pilipinas, madiin nitong sinabi na hindi ito sasama.

Subalit, pagtitiyak naman ni Tolentino, na isasama ito ng kaniyang amo upang lumayo sa kaguluhan.

Sa ngayon, makikita pa rin ang presensiya ng mga sundalo ng US at nanatili sa border ng Ukraine at Russia.