NAGA CITY- Bagama’t ipinatigil muna sa ngayon ang anumang klase ng transportasyon, pilit paring kumakayod ng ilang mga drivers sa Camarines Sur para may makain ang pamilya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa isang pedicab driver mula sa bayan ng Canaman, Camarines Sur, aminado itong alam nila na mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad ang paglabas ng bahay dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Aniya, alam din nilang delikado ang kanilang ginagawa ngunit dahil wala na aniya silang panggastos sa araw-araw, napipilitan na lamang silang maghanapbuhay.

Dagdag pa nito, may natanggal naman silang 8kilo ng bigas pero hindi naman ito magiging sapat hanggang sa matapos ang isang buwang home quarantine.

Advertisement

Nabatid na kahit ang ilang habal-hala drivers mula sa bayan ng Pili ay pilit ding bumabyahe at tinatakasan ang mga otoridad sa dahilang kailangan nilang lumabas para mabuhay ang pamilya.

Una rito, tiniyak ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na makakatanggap ng tulong ang lahat ng pamilya mula sa mahigit 1,000 na mga barangay sa lalawigan.Top

Advertisement