NAGA CITY- Agresibo na umano ngayon ang ilang mga Italyano kung pag-uusapan ang hinggil sa Novel Coronavirus (COVID-19).
Sa report ni Bombo International Correspondent Rosa Satuito sa Milan, Italy sinabi nitong nagiging mapangahas na ang ilan sa mga ito lalo na kung mapagkamalan kang mula sa China kung saan pinaniniwalaang nag-originate ang nasabing sakit.
Aniya, malaki na ang pinagbago at naging epekto ng nasabing sakit sa kanilang lugar maging sa pag-uugali ng mga residente.
Sa ngayon, wala na aniyang kahit isang Chinese ang naglalakas loob na lumabas sa kalsada sa takot na kuyugin ng mga tao.
Kung maalala, ilang mga Pinoy na rin ang naitalang nasaktan matapos mapagkamalang mga Chinese Nationals.
Aniya, hindi na nila maiwasang matakot sa ganitong sitwasyon sa lugar.
Bunsod nito, ang dating makulay at masayang Italya ngayon ay pwede nang maihambing sa ghost town dahil sa pagkaubos ng mga turista at pagsara ng ilang mga kilalang establisyimento.