NAGA CITY- Umapela ngayon ang ilang mga residente ng Milan, Italy na ilibre na lang ang mga hygienic kits na pinaka-kailangan ngayon sa kanilang lugar.
Ito’y kaugnay pa rin ng lumalalang kaso at dumaraming positibo sa sakit na Coronavirus Disease (COVID-19) sa nasabing bansa.
Sa report ni Bombo International Correspondent Rosa Satuito sa Milan, Italy sinabi nitong nais umano ngayon ng ilang mg Italyano ang paglibre sa ilang mga hygienic kits tulad ng alcohol at masks sa kanilang lugar.
Ayon kay Satuito, nakukulangan umano ang mga Italyano sa aksyon ng kanilang pamahalaan lalo na ngayon na nagkaka-ubusan na ng ilang prime commodities at kagamitan.
Aniya, malaki na rin sa ngayon ang danyos ng nasabing sakit lalo na sa kanilang trabaho kung kaya hangad nila kahit sa simpleng pangangailangan ay mapagbigyan.
Kung maaalala, ilang mga kilalang establisyimento ang nagsara sa naturang lugar dahil sa banta na dala ng nasabing sakit.