NAGA CITY- Nakatakda ng makauwi ang ilang mga turista na na-stranded sa bansang Belgium dahil sa ipinapatupad na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa report ni Bombo International Correspondent Jeniefer Ivy Dela Cruz sinabi nito na buwan ng Marso pa dapat ito lilipad pabalik ng Pilipinas ngunit naabotan ito ng lockdown sa lugar.
Ayon dito dalawang ticket na umano ang kanyang nasayang dahil madalas nakakansela ang kanyang flight.
Sa ngayon nakikipag ugnayan na umano ito sa mismong Consul General upang makauwi na sa bansa.
Samantala, ayon kay Dela Cruz nagsimula na ang muling pagbubukas ng ilang mga negosyo sa lugar at paunti-unti nang bumabalik ang ekonomiya dahil bumaba na ang kaso ng nasabing sakit sa bansa.