NAGA CITY -Aminado ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga na nakakaramdam sila ng pressure lalo na sa usapin sa iligal na droga ngayong naitalaga bilang Drug Czar si Vice Presidente Leni Robredo.
Sa gitna ng sesyon regular ng Sanguniang Panlungsod, hindi naiwasan ni Coun. Lito Del Rosario na amining nakakaramdam sila ng ‘pressure’ sa ngayon.
Kaugnay nito, magkakaroon aniya ng dagdag na enforcement security lalo na sa Bicol Central Station upang matiyak na mapipigilan ang mga drug personality na pumapasok ng mga iligal na droga sa lungsod.
Nabatid na ang naturang terminal ang kinukunsudera bilang meeting place ng mga drug personality sa kalakaran ng iligal na droga sa lungsod.
Samantala, una nang tiniyak ni Vice Presidente Leni Robredo na mas paiigtingin niya ang pagbabantay sa mga shipment ng shabu sa malalaking lungsod na madalas bagsakan ng malalaking halaga ng droga.
Kung maalala, una na ring umani ng iba’t ibang reaksyon ang ‘shabu hotbed remarks’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang lungsod.