NAGA CITY- Halos wala na umanong makain ang ilang mga Pinoy sa Malaysia dahil sa ipinapatupad na lockdown dahil sa COVID-19 crisis.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Lilibeth Rebula, sinabi nitong pinagtatiyagaan na lamang nila kung ano ang pwede pang makain sa kanilang kusina para lamang mabuhay.
Aniya, hindi sila pinapayagang lumabas kung kaya Marso 18 pa ito nang mawalan ng trabaho.
Dagdag pa nito, wala pa aniya silang natatanggap na anumang tulong mula sa pamahalaan sa naturang bansa.
Sa ngayon, hindi na nila alam kung ano pa ang mangyayari sa kanila sa mga susunod na araw at linggo kung magpapatuloy pa ang ganitong sistema.
Samantala, nag-apela naman ito ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa kanilang kalalagayan ngayon sa ba