NAGA CITY- Naging salungat umano sa inaasahan ng ilang kongresista ang lumabas na mga bagong probisyon sa Anti Terrorism Bill at posible pang mag lagay sa alanganin sa mga mamamayang Pilipino.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rep. Gabby Bordado sinabi nito na supportado nito ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang probisyon ng nasabing batas na ginawa pa noong 2007.
Ngunit ayon kay Rep. Bordado, dahil sa mga pagbabago sa probisyon ay mas pinili nalamang nitong bumoto ng “NO” upang maprotektahan ang mamamayang Pilipino.
Ang pangunahing layunin lamang sana umano dito ay ang lalong ayusin at dagdagan ng mga probisyon ang nasabing batas na makakatulong upang matigil na ang mga terrorist attack sa bansa.
Sa ngayon naniniwala si Bordado na dapat ay nakatotok ang gobyerno sa mga batas na posibleng makatulong upang maprotektahan ang mga mamamayan sa pandemia na coronavirus disease.