NAGA CITY – Patuloy ang pananawagan ng pamunuan ng Sagrada, Pili, Camarines Sur sa kanilang mga residentes na uminom ng maraming tubig at umiwas na mabilad sa matinding init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rosa Bona, Barangay Kagawad at committee on health sa nasabing lugar, sa kasalukuyan kaya mayroon nang mga naitalang nagkakasakit ng lagnat, ubo at sipon sa kanilang bayan lalo na ang mga bata dahil sa nararanasang extreme weather conditions.
Dahil dito, muling nagpaalala ang mga awtoridad na pangalagaan ang kalusugan ng mga tao upang maiwasan na malagay sa peligro ang isang tao.
Kaugnay nito, ang komitiba sa kalusugan ng kanilang barangay ang patuloy na nagbabahagi ng mga libreng gamot para sa mga residente na nangangailangan nito.
Sa ngayon, hinikayat na lamang ng opisyal ang publiko na patuloy na maging maingat dahil sa patuloy na nararanasang mainit na panahon.