NAGA CITY- Naitala Ang pagbaha sa ilang barangay sa bayan ng Nabua sa lalawigan Ng Camarines Sur dahil na rin sa ilang araw na nararanasang malakas na pag-ulan na dulot ng shearline.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO3 Eric Llanes, Deputy fire marshal/ Operation Officer BFP Nabua, sinabi nito na nakatutok ang kanilang LGU kabilang na ang kanilang opisina sa pagmonitor sa mga low lying at landslide prone area sa kanilang bayan.

Kaugnay nito sa kanilang isinagawang water level monitoring, nairehistro ang pagbaha sa Poblacion, La Purisima, San Roque, San Duran at Santa Lucia.

Mayroon na ring mga spillway ang hindi madaanan ng anumang klase nang sasakyan dahil sa pag-apaw ng tubig.

Maliban dito mayroong na ring mga paaralan ang inabot na ng tubig baha kung kaya patuloy ang monitoring para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Samantala, nilinaw naman nang opisyal na walang katotohanan ang naka post sa mga social media account na lubog na ang buong bayan ng Nabua sa tubig baha.

Kaya naman mahigpit nagpapaalala ito sa publiko na maging responsable sa pagpopost ng mga impormasyon gayundin Ang pag-abiso sa lahat na suriin muna nang mabuti kung ito ay galing sa mga reliable sources bago maniwala.

Sa ngayon, pinayuhan na lamang ng opisyal ang lahat na maging updated sa lagay nang panahon upang maiwasan ang anumang insidente.