NAGA CITY- Posible umanong bumalik sa dating pamamaraan ng kampanya laban sa iligal na droga ang administrasyon matapos sibakin si Vice President Leni Robredo bilang Co- Chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ricky Tomotorgo, isa sa mga Professor ng Ateneo De Naga University, sinabi nitong tiyak na magpapatuloy na naman ang patayan dahil babalik na naman ang focus ng law enforcement sa kampanya na unan nang
nakasanayan.

Ayon rito, mas mabuti sanang pinabayaan muna si Vice President Robredo sa kanyang paraan na Health based Approach kung saan
naniniwala itong isang social at health problem ang iligal na droga at hindi crime related issues.

Dagdag pa ng abogado, naging insecure lamang si Presidente Duterte kay Robredo dahil sa biglaang naging mabango ang pangalan nito matapos tanggapin ang hamon na maging drug czar.