NAGA CITY- Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung mayroong sugatan sa parte ng mga rebeldeng grupo sa nangyaring engkwentro sa Tinambac, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng gobierno, dito na nila naka-engkwentro ang nasa 15 miembro ng rebeldeng grupo.
Nabatid na nagtagal ang bakbakan ng 10 minuto kung saan wala namang nasugatan sa parte ng tropa ng gobierno.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga personal na kagamitan ng mga miembro ng rebeldeng grupo at mga subversive documents.
Sa ngayon, naglagay na rin ng mga checkpoints sa lugar na posibleng daanan ng mga rebelde gayundin ang pag-monitor sa mga ospital.