Nagsisimula na ang imbestigasyon patungkol sa nangyaring pamamaril sa isinagawang rally ni dating US President Donald Trump sa Butler, Pennsylvania.
Matatandaan, habang nasa kasagsagan ng pagsasalita si Trump ng bigla na lamang umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na malalakas na putok ng baril.
Kaugnay nito, kinondena naman ng Presidente ang nabanggit na shooting insident at sinabing hindi kailanman sasang-ayunan ng Amerika ang ganitong karahasan.
Sa ibang banda, ikinatuwa nito ng malamang nasa mabuting kalagayan ngayon ang dating Pangulong Trump na nagtamo ng sugat sa kanyang tainga.
Tiniyak naman ni Biden na kaniyang kakausapin si Trump upang personal na kumustahin.
Samantala, una na ring napaulat na binawian ng buhay ang gunman asin isang audience dahil sa insidente.
Sa ngayon, panawagan nalang ng opisyal sa lahat ng kanilang mga nasasakupan na magkaisa sa pagkondena ng nasabing pangyayari.