NAGA CITY- Naihatid na sa kanilang orihinal na tahanan Ang Imahe ni Inang Peñafrancia at El Divino Rostro sa Basilica Minore mula sa Naga Metropolitan Cathedral.
Kaugnay into, nagkaroon ng banal na misa saktong alas 2:00 kaninang hapon sa Quadricentennial Arch at natapos bandang alas 3:15 ng hapon.
Unang inilabas ang Imahe ni Divino Rostro sa nasabing simbahan bandang alas 3:18 ng hapon at saktong 4:16 nakarating sa danlugan. Sinundan ito ng Imahe ni Inang Peñafrancia na lumabas sa Cathedral pasado 3:49 habang dumating naman ito sa danlugan saktong alas 4:43 kaninag hapon upang isakay sa pagoda at baybayin ang Naga River papuntang Basilica Minore kasama ang nasa 200 na mga Obispo at kaparian mula sa iba’t-ibang panig ng Bicol Region.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol. Nelson Pacalso, City Director ng Naga City Police Office sinabi nito, na bago paman mag-umpisa ang Fluvial Procession, nakadeploy na ang mga tauhan Ng PNP, Philippine Army, mga volunter Students at ang mamamahala sa Naga River na Coast Guard.
Ayon pa sa opisyal, mayroon aniyang augmentation galing sa iba’t ibang parte ng PNP mula sa Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon.
Samantala, bago paman dumating si Inang Peñafrancia at Divino Rostro sa danlugan ay naghanda na ang mga voyadores na magsasagwan upang hilahin ang pogada, habang hawak hawak naman ng mga debotos ang kanilang puting panyo, baon ang kanilang sariling panalangin.
Sa kabila nito, alas 3 palang ng pagkahapon ay nag high tied na ang Naga River. Kun saan mula pa noong Miyerkules umulan na at ayon sa paniniwala, nangyayari ito tuwing isasagawa ang aktibidad. Isa rin aniya ito sa pinapakitang himala ng Ina, upang magkaroon ng sapat na tubig ang ilog na pagdadaongan ng Imahe ni Divino Rostro at Inang Peñafrancia upang hindi sumadsad ang pagoda.
Sa pangkabuuan halos Hindi mahulugan karayom Ang nasabing procession na dinaluhan Ng libo-libong deboto Mula sa ibat ibang panig Ng Bicol Region at bansa.