NAGA CITY- Arestado ang isang incumbent Barangay Kagawad sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Sañgay, Camarines Sur.
Ayon kay PCPT Mark Spaña, ang Deputy Chief of Police ng Sagñay Municipal Police Station kinilala ang suspek na si Noel Peñas na kasalukuyang Barangay Kagawad ng Brgy. Kilomaon sa nasabing bayan.
Dagdag pa nang opisyal nakabili umano sa suspek ang nagpanggap na posuer buyer ng isang plastic sachet na pinaghihinalaang shabu gamit ang P500 komo buy-bust money.
Maliban pa dito, nakumpiska pa sa suspek ang 2 pang plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.
Samantala, sa pag-iimbestiga naman sa nasabing suspek nabatid na nasa drug watchlist ito nang kanilang himpilan at tinaguriang high value individual dahil sa posisyon nito sa barangay at dahil narin sa matagal na umano itong nagbebenta nang nasabing iligal na droga.
Sa ngayon, nasa kamay na nang mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.