NAGA CITY – Inggit umano sa trabaho ang tinitingnang motibo ng mga otoridad matapos barilin ang isang negosyante ng riding in tandem sa Canda Street, Concepcion Pequeῆa, Naga City.
Una na ring na kinilala ang biktima na si Rodney Badong, 51-anyos, residente ng naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), habang nasa kaniyang construction site ang biktima ng tumigil sa harap nito ang isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek at basta na sana itong binaril.
Ayon sa opisyal, dahil sa insidente, nadaplisan umano ng tama ng bala ng baril si Badong sa may taas ng walang tagiliran nito na agad din na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pagtunton sa posibleng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek.
Sa ngayon, piglinaw na lamang ni Bongon na ang naturang insidente ay isolated case kung kaya wala rin umanong dapat ikatakot ang mga residente ng lungsod ng Naga.