Nagpapagaling na ngayon ang isang lalaki na biktima ng pananaksak sa Brgy. Baybay, Caramoran, Catanduanes.

Kinilala ang biktima na si Eugenio Yusures 47 -anyos.

Sa impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP- Bicol, napag- alaman na nagkaroon ng hindi pagkakaintingihan angbiktima at suspek na si Jose Man De Quiroz habang nag iinuman sa isang lamay sa nasabing lugar.

Dahilditonagdesisyon umanong umuwi ang suspek sa kanilang bahay nang sundan ito ng biktima.

Nang maramdamang sinusundan siya nbg biktima agad itong pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng itak at agad na pinagtataga ang biktima sa likod ng ulo nito.

Agad na itinakbo ang biktima sa isang ospital matapos ang insedente habang nasa kustudiya naman na ng mga otoridad ang nasabing suspek.