NAGA CITY– Kinumpirma ngayon Department of Agriculture na may isang bayan na naman sa Camarines Sur ang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa nasabing ahensya, sinasabing nagpositibo sa nasabing disease ang kinuhang sample sa isang baboy na mula sa Brgy. Sta Salud, Calabanga sa nasabing lalawigan.
Kaugnay nito, inalerto naman ng nasabing ahensya ang lugar na magkaroon ng quarantine at surveillance zone.
Nabatid, na agad namang ipinatupad biosecurity measures at ground zero sa lugar upang maiwasan ang pagkalat nito.
Samantala, nagpatupad na rin si Calabanga Mayor Ed Severo ng total lockdown sa naturang lugar kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas ng mga baboy.
Kung maalala, una nang naitala sa bayan ng Bombon ang pinaka-unang kaso ng ASF sa Camarines Sur.