NAGA CITY-Patay ang isang lalake habang isa naman ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Gumaca, Quezon.
Kinilala ang binawian ng buhay na si alyas Elsa, 60 anyos, habang kinilala naman ang sugatan na si alyas Alvin, 37 anyos, parehong residente ng Brgy. Hagakhakin ng nabanggit na bayan.
Kinilala naman ang suspek na si alyas Andres, 42 anyos, residente ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Provincial Office, alas-9 aniya ng umaga kahapon Mayo 31, nakakuha ng tawag ang Gumaca Municipal Police Station na may nangyaring aksidente sa Maharlika Highway na parte pa ng Brgy. Hagakhakin.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad aniya ang biktima at isang Maria Corazon Sartin sa shoulder lane nang makatulog ang suspek na si alyas Andres habang nagmamaneho ng isang Tuk-Tuk at nawalan ng kontrol.
Dahil dito nabangga nito si alyas Elsa at si alyas Alvin na naghahatid lang ng tubig.
Dahil dito, namatay habang bumabiyahe papunta sa ospital si alyas Elsa habang nadala pa naman si alyas Alvin sa ospital kahit na sugatan.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.