NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ni Naga City Mayor Nelson Legacion na pansamantala munang nilockdown ang isa sa mga infirmary hospital sa lungsod ng Naga.
Ito’y may kaugnayan sa insidente kung saan binawian ng buhay ang ikalawang COVID-19 positive patient sa lungsod.
Nabatid na isa sa mga miembro ng pamilya ng naturang pasyante ang nagtatrabaho sa nasabing ospital kung kaya pansamantala munang nilockdown bilang bahagi ng precautionary measures.
Ayon kay Mayor Nelson Legacion, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon kung saan talaga pwedeng nakua ng biktima ang sakit dahil wala naman aniya itong travel history sa Metro Manila at labas ng bansa.
Samantala, kasalukuyan namang naka-lockdown ang Barangay Calauag, ang lugar ng naturang positive patient.
Sa ngayon, nagpapatuloy din ang isinasagawang contract tracing ng mga otoridad sa mga posibleng nakahalubilo ng nasabing pasyente.