NAGA CITY- dead-on-arrival ang isang lalaki matapos barilin sa So Puerte Verde Brgy. Aluyon Burdeos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jerry Penamante Sabando, 31 taong gulang, residente ng Brgy. Calasumanga, Panukulan Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pumunta ang biktima sa bahay ng suspek na si Kevin Pardilla Aguila, 31 taong gulang, residente ng nasabing lugar para halikan at kunin ang kaniyang anak na lalaki. Subalit, hindi pumayag ang dating ka live-in partner ng biktima dahilan para bumunot ito ng patalim at sinubukang saksakin ang suspek. Dito naman bumunot ng baril si Aguila at binaril si Sabando sa kaniyang mukha. Agad naman sanang dinala ang biktima sa ospital para sa medical assistance ngunit idineklara naman itong dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon