NAGA CITY- Natupok ng apoy ang isang bahay sa Brgy. Diversion Gubat, Tigaon, Camarines Sur.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO4 Archilles Duran, OIC-MFM Tigaon Fire Station, sinabi nito na isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang opisina hinggil sa nasabing insidente.
Ayon kay Duran, pagdating nila sa pinangyarihan, halos 80% na ang pagkasunog ng bahay dahil gawa ito sa light materials.
Gayunpaman, naagapan din nila na walang ibang mga bahay ang madamay dahil meron itong katabing mga bahay.
Nang sumiklab ang apoy, walang umano ang may-ari ng bahay kaya walang naitalang nasugatan o nasawi.
Umabot din ng halos 20 minuto bago ideklarang fire out. Kung saan, umabot sa humigit-kumulang P25,000 ang pinsala sa nasabing insidente.
Samantala, nahirapan rin ang kanilang ahensya sa pag-apula ng apoy dahil may nakasabit na service drop wire na kumikislap at dumidikit sa bubong ng bahay na siya ring pinagmulan ng apoy.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang publiko na sakaling umalis sa kanilang mga tahanan at sakaling magkaroon ng mga sakuna tulad ng bagyo, mas mabuting patayin ang kanilang mga circuit breaker upang maiwasan ang mga ganitong insidente.