NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang babae habang nagpapalutang-lutang sa ilog sa Brgy. Timbang Minalabac, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Susan Agravante Atienza, 23-taong gulang, may problema sa pag-iisip at residente ng Zone 5, Barangay Del Zocorro, Minalabac, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo radyo naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang nangingisda ang isang 17 taong gulang na lalaki nang nmakita ang bangkay ng babae.
Kaugnay nito, agad siyang nag-report sa mga otoridad patungkol sa insidente. Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang nalunod ang biktima dahil hindi naman ito nakitaan ng anumang sugat sa katawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa naturang insidente.