NAGA CITY – Sugatan ang isang estudyanteng lalaki matapos na tumalon sa ikatlong palapag ng Pili Public Market sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vanmark Huerno, Rescuer and driver ng, MDRRMO Pili, sinabi nito na bandang 10:30 ng umaga ngayong araw Pebreo 21, 2025, nakatanggap ng tawag ang kanilang opisina hinggil sa tumalon na estudyante sa nasabing palengke.
Pagdating nila sa lugar, nakahiga na sa sahig ang estudyante at responsive pa naman ito.
Agad naman nila itong dinala sa ospital matapos bigyan ng paunang lunas.
Ayon umano sa estudyante, marami itong problemang pinagdaraanan.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang opisyal sa mga kabataan na kapag nakakaranas ng problema ay huwag itong sarilihin, bagkus ay ibahagi ito sa kanilang mga magulang upang matulungan.