Isang fetus ang natagpuang patay sa isang ecobag sa Barangay San Felipe sa Naga City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Station 3, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkakadiskubre sa patay na fetus, nabatid na batay sa isinagawang pakikipag-usap kay Bob Neola y Albania, 39 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Cararayan, sa Naga City, team leader ng CDRRMO rescue ambulance ayon sa imbestigasyon, humigit-kumulang alas-8:11 ng umaga noong Setyembre 18, 2024 nang dumating ang mga rescuer sa pinangyarihan ng insidente, at sa tulong ng mga Tanod ng Brgy San Felipe, Naga City, natagpuan ang walang buhay na bangkay ng isang neo-natal babae, walong (8) hanggang siyam (9) na buwang gulang.
Pinoproseso nila ang bangkay at dinala sa City Health Office, kung saan agad itong sinuri ni Dr. Rommel P. Mejaro, na idineklarang patay ang sanggol bandang alas-8:30 ng umaga Setyembre 18, 2024.
Ayon kay Dr. Mejaro, matapos suriin ang katawan, natuklasan niyang nasa stage of decay na ang walang buhay na sanggol at humigit-kumulang dalawa (2) hanggang tatlong (3) araw nang patay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang imbestigador sa kaso sa pinangyarihan ng insidente at kinakapanayam ang mga rumespondeng Tanod ng Brgy. San Felipe, Naga City.
Hinihiling ngayon ng mga awtoridad ang kooperasyon ng lahat lalo na sa pagtunton sa mga magulang na nag-iwan ng fetus.