NAGA CITY – Isang miyembro ng NPA ang sumuko sa mga awtoridad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT Sheralyn Samonte, Public Information Officer ng Camarines Sur Police Provincial Office, mapayapang sumuko ang indibidwal sa Camarines Sur Mobile Force Company at 83rd Philippine Army.
Ikinatuwa rin ng bagong Provincial Director ng CSPPO ang pagsuko ng rebelde at binigyan ito ng tulong pinansyal.
Ayon kay Samonte, hindi ito ang unang pagkakataon na may sumuko sa kanilang panig dahil nitong mga nakaraang buwan bago ang pagpapalit ng Provincial Director ay may mga nagbalik loob na rin sa gobyerno.
Kasabay ng magandang balitang ito, patuloy din ang paghikayat ng opisyal sa mga miyembro ng makakaliwang group na mapayapa na sumuko sa gobyerno dahil inihanda ng administrasyon ang tulong para sa kanila.
Sa ilalim ng Enhance Community Integration Program, may mga inihandang programa o tulong na ibinibigay sa mga sumukong rebelde upang matulungan silang maging bahagi ng komunidad.
Binigyang-diin ni Samonte na sa pamamagitan ng programang ito, maiiwasan ang pagkawala ng buhay dahil sa hindi ginustong sagupaan ng magkabilang panig.
Sa ngayon, gusto na lamang aniya nito na magkaroon ng diplomasya ang publiko at iwasang maging miyembro ng mga makakaliwang grupo para hindi masayang o masira ang kanilang mga buhay.